Bumubuhos ang tulong at ayuda ng NBA stars sa mga empleyadong nawalan ng pagkakakitaan bunga ng suspension ng mga nalalabing laro ng season para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Apektado ang workforce ng mga arena na nawalan ng laro, mga orasan ang bayad.

Sasagutin ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang suweldo ng staff sa buong isang buwan. Rookie lang siya, hindi pa ganon kalaki ang kita, pero dumamay na.

Mula kay Shams Charania ng the Athletic:
“New Orleans’ Zion Williamson says he is pledging to cover the salaries for all of the Pelicans arena staff workers for the next 30 days.”

Isa pa si Giannis Anteto­kounmpo ng Milwaukee Bucks.

“It’s bigger than basketball! And during this tough time I want to help the people that make my life, my fa­mily’s lives and my teammates’ lives easier.

Me and my fa­mily pledge to donate $100,000 to the Fiserv Forum staff. We can get through this toge­ther!” tweet ng reigning MVP. (VE)