Hiniling ng dating chief of staff ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica ‘Gigi’ Reyes sa Sandiganbayan na payagan itong makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder.
Sa anim na pahinang mosyon na inihain ng mga abogado ni Reyes sa Sandiganbayan Third Division, karapatan umano ng akusado na makapagpiyansa dahil hindi umano matibay ang ebidensya laban sa kanya.
“In the instant case, accused Reyes has consistently maintained that she is entitled to bail because no evidence of her guilt for the crime of plunder as charged by the Prosecution exists,” ayon sa mosyon ng kampo ni Reyes.
Kasama si Reyes sa kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman laban kina Enrile at umano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Dahil walang bail ang plunder case, nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Reyes habang nakalaya naman matapos makapagpiyansa ang kanyang among si Enrile.
Sabi sa last paragraph, Amo nya raw si Enrile. Oo Amo but the picture in Gugil don’t tell lies.
Siguradong laya ka na rin dahil lahat kayo not guilty hanggang hindi nagbabago ang presidente. Mabuhay ang mga mahihirap na bumoto sa Presidente.
https://uploads.disquscdn.com/images/d2ca3f20bbd567ae84501254fb275575be5e66cf731daad464fa2a8591a6e3b8.gif Bakit…mayaman ka ba??