EXTRA special ang pagdiriwang ng mga Kapusong Batangueño ng Sublian Festival.
Makakasama nila ang mga bida ng GMA primetime shows na Mulawin vs. Ravena at My Love From The Star bukas (Linggo, Hulyo 23) nang 7:00 PM sa SM City Batangas.
Tampok sa Kapuso Mall Show sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, Miguel Tanfelix,Gil Cuerva, Jackie Rice at Migo Adecer.
Ang Sublian Festival ay isang tradisyunal na pagdiriwang ng mga Batangueño ng kanilang mayamang kultura.
Ito ay bahagi ng week-long celebration ng founding anniversary ng nasabing lunsod.