GIL, GINALINGAN ang halik kay Jennylyn

Jennylyn Mercado at Gil Cuerva

GIL ‘like the gills of a fish’ at hindi HILL ang tamang bigkas ng pangalan ng Kapuso newbie na si Gil Cuerva.

Ang Gil ay pinaiksing version ng first name niyang Guillermo.

First acting experience ng 21-anyos na modelo ang Pinoy adaptation ng My Love From The Star, pero napanood namin sa Kapuso Mo, Jessica Soho na meron na siyang sariling fans.

Very positive, maganda ang aura at masarap kausap si Gil in person. Bet agad siya ng mga showbiz press na nakatsika niya nu’ng presscon.

Kaya siya ang masuwerteng napili para ma­ging kapareha ni Jennylyn Mercado sa MLFTS, ang sabi sa kanya ni Direk Joyce Bernal ay dahil maganda ang rehistro niya sa kamera at mysterious ang dating ng look niya, na hinahanap ng GMA para sa role ni Matteo Domingo, ang guwapong alien na kinain­laban ng bidang girl.

Short hair ang Korean actor na unang gumanap sa papel ni Matteo. Si Gil ay 2½ years nang long hair at ito na raw ang na­ging signature look niya.

Mahaba kasi dapat ang hair niya sa mode­ling job niya supposedly sa Thailand.

Since walang assu­rance na papasa siya sa audition ng MLFTS ay hindi niya ‘yon pinagupitan at pumayag ang GMA.

Ang ending ay parang naging factor pa ang long hair niya para siya ang mapili for the role.
First TV series niya pa lang ay nakahalikan na agad ni Gil si Jennylyn. And not just once or twice, but 9 times.

Paliwanag niya, very particular kasi si Direk Joyce at gusto nitong makita na ramdam na ramdam nila ni Jen ang nasabing eksena.

Nu’ng una ay nahihiya pa si Gil, kaya lumabas lahat ng kaba niya. So, inabot sila ng maraming tries.

Tapos, sinabi nila ni Jen sa isa’t isa na galingan na nila para matapos na.
So, ginalingan niya ang paghalik kay Jen?

“Oo, on the 9th try. Ha! Ha! Ha!”

Nakasiyam na take si direk, so ibig bang sabihin, hindi siya mahusay humalik?
“Nahiya lang naman po. He! He! He!” sey ng Chinitong binata.

‘Budget Borgy Manotoc’ ang tawag dati ng bashers kay Gil dahil may hawig siya kay Borgy na long hair din noon.

May mga anggulo rin na medyo hawig siya sa Thai heartthrob na si Mario Maurer.
Na-offend ba siya nang tawagin siyang Budget Borgy Manotoc?

“Ako, offended lang ako when they attack my personal life. Kung ako lang, okey lang. You can make fun of me all you want.

“Pero ‘yung umabot na sa mom ko, sa family ko, sa friends ko, doon talaga ako mag-i-step in.”

Alam din ni Gil na may mga namba-bash sa kanya dahil siya ang napiling maging Matteo sa MLFTS samantalang baguhan lang siya at mukhang hindi siya marunong umarte.

Reaksyon niya, “Very sacred kasi ang My Love From The Star sa Koreanovela fans. So siyempre, they have someone in mind na they wanted to become Matteo. And when it didn’t happen, na-disappoint sila.

“So ako, gets ko naman. Fans will be fans. And siyempre, ‘yung hair ko, mahaba.

“I understand naman na you can’t please e­verybody. But I’m just happy to be here and I’m just focused on the work,” seryosong sambit ni Gil.

Kagabi nag-landing sa GMA Telebabad ang My Love From The Star pagkatapos ng Mulawin vs. Ravena.