Gil, kumagat sa tukso ni Jennylyn

Gil at Jennylyn

SUMABOG ulit sa kilig ang My Love From The Star fans dahil sa halikan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Kumagat si Matteo (Gil) sa 15-second seduction challenge ni Steffi (Jen) at binigyan nito ng bonggang kiss sa lips ang mapang-akit na dalaga.

Ito ‘yung kissing scene nila na inabot ng nine takes dahil hindi nila magawa ang gusto ni Direk Joyce Bernal.

In fairness ay mas intense ito at mas matagal kesa sa una nilang kiss sa yate na binigla lang ni Steffi si Matteo.

“Oxygen!!!” ang sigaw ng MLFTS fans dahil sa todong pakilig ng JenGil.

At ang pobreng Matteo, biglang nilagnat after ng matindihang L to L nila ni Steffi.

Lalong hindi nakahinga sa kilig ang fans nang hubaran ni Steffi ang walang malay na si Matteo, tapos ang payo ng friend niyang si Kathy (Moi Bien) ay punasan ang katawan nito… as in LAHAT ng parte ng katawan nito.

Sarap-sarapan ang topless na si Gil at kwela ‘yung kiyemeng pagdukot ni Jen sa bandang harapan niya.

Palala nang palala ang out of this world kiligan sa My Love From The Star gabi-gabi pagkatapos ng Mulawin vs. Ra­vena.