Gil, mas gustong mag-workshop kesa magbakasyon

Gil Cuerva

ANU-ANO ang mga plano ni Gil Cuerva pagkatapos ng My Love From Star?

One weekend in August lang ang ni-request niyang bakasyon dahil mas gusto niyang um-attend ng workshops at aralin ang a­reas na pwede niyang ma-improve bilang aktor.

Siya mismo ang nagre-request sa management niya na isabak pa siya sa acting trainings.

Naikuwento rin ni Gil na malaki ang naitulong sa kanya ng co-star at direktor na sina Jennylyn Mercado at Bb. Joyce Bernal dahil na­ging close sila throughout their tapings.

Very patient at hands on magturo ang mga ito pagdating sa mga eksena kaya malaki ang pasasa­lamat ng aktor sa dalawa.

Samantala, ‘di napigi­lan ni Matteo (Gil Cuerva) ang galit kay Jackson (Gabby Eigenmann) matapos malamang agaw-buhay sa ospital si Steffi (Jennylyn Mercado) dahil sa framed accident sa set na kagagawan ng tauhan ni Jackson.

Hanggang kailan ka­yang protektahan ni Matteo si Steffi mula sa kay Jackson?