ENJOY kaming katsika ang newbie Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva. Bukod sa magaling siyang sumagot ay wala siyang kiyeme.
Half-Spanish ang 21-anyos na leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star, pero he looks Chinito.
Sey ni Gil, kaya siya Oriental looking ay dahil mas kamukha niya ang Pinay mom niya kesa sa Kastilang father niya.
Sa Ateneo nag-grade school at high school si Gil, pero sa La Salle siya nag-college.
May sarap-sarapang shower scene ang 5’11 na model-turned-actor sa MLFTS, na ang baba ng shot ni Direk Joyce Bernal at parang medyo kita ang puwet ni Gil.
Dayalog sa amin ng binata, komportable siya sa eksenang ‘yon at mas sanay siyang gawin ang mga gano’n kesa makipag-kissing scene.
Nu’ng sinabi sa kanya ni Bb. Joyce na may pa-yummy siyang shower scene na hubad-hubaran ay pumayag agad si Gil.
“Sa modeling po kasi, ang dami ko nang beses nag-shirtless, gano’n.”
Brief lang ang suot niya sa shower scene na ‘yon, na hindi niya sure kung nakunan siya nang nakaharap at basa-basaan ang kanyang underwear.
Walang keber si Gil sa mga gano’n dahil maraming beses na siyang nag-model nang naka-underwear, pero hindi pa siya nag-model ng underwear.
Willing ba siyang maging underwear model if ever kunin siya ng Bench Body, halimbawa?
“As long as maganda ‘yung katawan ko, yeah. I’m comfortable,” mabilis na sagot sa amin ni Gil.
Eh kung may movie offer sa kanya na may nudity, keri niya ba?
“Yeah, okey lang.”
Kahit may frontal, ganern?
“Basta my PhotoShopped na smiley na nakaano (nakatakip sa kanyang private part),” natatawang sagot niya.
In fairness ay confident si Gil na wala siyang scandal video o photo na lalabas. Sure na sure siyang wala siyang mga gano’n.
Hirit namin sa kanya, “Eh ano naman kung meron? Okey lang naman ‘yon!”
Natawa si Gil at ang game na sabi niya sa amin, “Kung meron, sige. Ipapakita ko sa ‘yo kung meron!”
Hindi lang dito sa ‘Pinas nakapag-model si Gil kundi maging sa Hong Kong.
Sa mundo ng modeling ay aminado siyang exposed siya sa maraming bading.
Aniya, dito niya natutunan na maging friendly at maging very open sa gay people.
“You rarely encounter a straight guy sa modeling. I’m one of the very few.
“So, I broaden my horizon being exposed to gay people, to more bekis, gano’n.”
What if may manligaw sa kanya o offer-an siya ng something para maging dyowa siya o matikman siya?
“Well, siyempre I’ll say no. Pero I don’t know if I would really take it against that person.
“Sasabihin ko lang na, ‘Sorry, hindi ako bakla. I’m not into that.’
“But it doesn’t mean na magiging homophobe ako, gano’n.
“Siyempre, ang dami kong kaibigang bakla. Really, ang dami kong friends na gay,” sambit ng very LGBTQ-friendly na si Guillermo Ernesto Eleazar Cuerva, na mapapanood sa My Love From The Star simula sa Lunes (May 29) sa GMA Telebabad.