Pleasant to watch ang My Love From The Star.

Hindi trying hard magpakwela. Lalong hindi trying hard na magpakilig.

Bet ko rin na glossy itong tingnan sa TV. ‘Yung mga location, lalo na ‘yung outdoor sequen­ces, parang sa ibang bansa.

Nagmamayaman ang arrive. So reminiscent of the Viva movies of yore na lahat ng lugar ay pang-mayaman, at lahat ng mga taong kasali eh mukhang mayayaman.

What is truly worth mentioning eh finally, under the tutelage of Binibining Joyce, hindi pa masyadong nalalayo sa orihinal na Korean drama ang Philippine reincarnation.

Si Bb. Joyce lang pala ang kailangan ng mga ka-Siyete para hindi maging “my brother is not a pig” ang supersikat na drama.

Mahusay, as expec­ted si Jennylyn Mercado. As Steffi Chavez, the superstar na ganda ang tanging puhunan at parang may kahinaan ang intelligence quotient at vulnerable ang state of her emotional health, Mercado is having the time of her life.

Imbes na mainis ka sa pagiging “feelingera” niya, you will feel for her.

It is not easy to put on a brave and beautiful front when the whole universe always has more than a mouthfoul of unpleasant things thrown at you.

Tapos ang nanay mo pa, mukhang datung at parang tumandang transwoman, si Glydel Mercado.

‘Yung attack ni Glydel sa role niya bilang stage mother, reminds me so much of all the fag hags that used to populate the Joey Gosiengfiao or Danny Ziacita movies.

Tamang sila ni Melissa Mendez ang magkatarayan. They are so in the zone.

Si Gil Cuerva, I cannot help but wonder kung sa Machete School of Ac­ting ni Aljur Abrenica siya enrolled. Parang siya ang top of the class, huh?!

I hope sa mga sumusunod na episodes, mag-improve siya. Hindi ko lang mapaniwalaan ang mga outfit na pinasusuot sa kanya.

Layering kung laye­ring eh pagkainit-init dito sa atin.

Saan ka nakakita na tatlong patong ang suot tapos nagbibisikleta?
Ang pinakamahiwaga sa lahat, hindi naglalapot at hindi nagpapawis si Cuerva.

Pati na si Jen, ‘yung eksenang pumasok siya sa school at nasa classroom na parang wala namang airconditioning unit… Walang oil at walang pores sa fezlak. Over dressed itong Steffi pag nasa paaralan.

Magicians yata ang glamour technicians at styling team, huh?! May rule ba sa set na bawal maglapot ang mga bida?

Two episodes na ang napanood ko at talagang eye candy si Gil. Panalo ang katawang panromansa.

Pinkish pa ang nipples. Pag basa siya all over, kaysarap niyang gawing ice drop. Hahahaha!
Acting naman is a skill that he will learn. At mukhang emotionally intelligent si Cuerva so may chance na he will grow as an actor.

Sakaling hindi, ke­ribels na rin.
Hindi na ako magpapaka-choosy. Guapo naman talaga siya.

Ano ba kung may bagong Kamoteng Kahoy gabi-gabi kang pinapanood?
Parang matamis at masarap naman siya.

***

“DI pa naman kme break. Hehe. Dedma na lng muna. Salamat. Lavyu.”

Ito ang sagot ni the Other Queen P, Paolo Ballesteros tungkol sa tsikang hiwalay na ang de kolor at puti nila ni Roland Ochoa Anog.

Sa isang entertainment portal, may isang source daw na nagsabing walang hiwalayan at lalong walang buntisang kaganapan.

Kayo na ang bahalang humusga if all is well sa romance department ng Transformation Queen.

Nakakapagtaka lang kung bakit may hiwala­yan chikang ganito. Wala bang karapatang lumigaya si Paolo?

Unawain natin si Ballesteros sakaling ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito.

Hindi showbiz personality ang kanyang ka-close at may chance na maaayos nila ang gusot, kung meron man, sa kanilang pagsasamahan.

Hindi dapat palupig agad ang pag-asa.

Lahat ng bagay, mapapag-usapan lalo na kung bukas pa ang mga puso sa paliwanag at mas namamayani pa rin ang tunay na pagmamahal.

Kung pagbabasehan ang mga posts ni Bal­lesteros at Anog sa ibang social networking sites, HAPPY TOGETHER ang dalawa at hindi you & me against the world and kanilang mga dramarama at emotada encarnacion.

3 Responses

  1. You nailed it mineis7 as far as Gil’s acting is concerned. Mukhang busy si Alwyna sa pagtingin pinkish nipple ni Gil kung kaya’t nawalan siya ng Fair View.

  2. ate alwyn, siguro tingnan mo muna ang background ni mateo kaya ganoon ang acting niya. siya ay isang alien na walang feelings kaya cold as ice ang acting niya pero darating sa point na magkakaroon siya nito kay steffi at comment ka uli pagdating ng time na iyon. for the meantime, enjoy mo na lang muna ang pinkish nipples niya, ok ba?