Gilas bawal muna magbulakbol

Gilas bawal muna magbulakbol

Wala munang sightseeing ang Gilas Pilipinas sa China.

Pagdating ng Foshan nitong Huwebes, pahi­nga sandali ang Nationals bago sumabak sa praktis.

Kailangan nilang gamayin ang Foshan International Sports and Cultural Center na venue ng lahat ng games sa Group D sa unang round ng 18th FIBA World Cup 2019.

Biyernes, ensayo pa rin ang mga Pilipino.

Ngayong Aug. 31 ng 7:30 pm, babalatan ng Gilas ang kampanya laban sa Italy sa opening day ng two-week tournament.

May isang araw na break ang Filipinos pero gagamitin para paghandaan naman ang powerhouse Serbia sa Sept. 2 ng gabi rin.

Tatapusin ng Nationals ang mga laro sa group phase kontra Angola sa Sept. 4.

Final 12 ni coach Yeng Guiao sa Foshan sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Andray Blatche, Robert Bolick, June Mar Fajardo, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, RR Pogoy, Kiefer Ra­vena at Troy Rosario. (VE)