Gilas napilayan kay June Mar

Posibleng hindi na makalaro si June Mar Fajardo sa mga susunod na window ng 2021 FIBA Asian Cup Qualifiers sa February dahil sa right shin injury na nauwi sa operasyon.

Matagal-tagal na rehabilitasyon ang ­dadaanan ng San Miguel Beer slotman bago tuluyang ­makarekober.

Hindi na siya makakasalang sa Philippine Cup na magbubukas ng 45th season ng PBA sa March 1. Sa opening night ay sisindihan agad ng Beermen ang paghahabol sa six-peat ng all-Pinoy laban sa runner-up nilang noong isang taon na Magnolia.

“(Fajardo) is also saddened that he may not be able to join any upcoming international ­competitions,” anang statement ng team.

Tinulungan ni Fajardo ang Gilas Pilipinas sa SEA Games gold noong December, pagkatapos nu’n ay binigyan siya ng extended vacation at hindi na ­isinama sa 24-man pool ng national team para sa first window ng Asian Cup qualifiers ngayong buwan.

Pero nabanggit noon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na siguradong kasama siya sa Gilas lineup sa susunod na qualifying ­windows umpisa sa Nobyembre.

‘Yun ay bago ang injury. Ngayon ay hihintayin muna kung fully recovered na siya nu’n. (Vladi ­Eduarte)