Ipinagkibit-balikat lang ni Washington Wizards guard John Wall ang report na nadadalas siya sa isang popular nightclub sa Washington, D.C.
Sa First Take, sinabi ni Stephen A. Smith ng ESPN na may natanggap siyang pictures ni Wall na nagpa-party sa Rosebar club.
Binanggit ni Smith ang sitwasyon ni Wall “off the court” at kulang na lang ay tukuyin na mas pinahahalagahan ng NBA player ang partying niya kaysa paglalaro, lalo’t malamya ang umpisa ng Wizards ngayong season sa 3-9.
Malamang nakarating kay Wall ang pagtatalak ni Smith, sinagot niya ito sa Instagram Live video. Hindi niya itinangging nagpupunta siya sa Rosebar, pero hindi raw niya bisyo ‘yun.
“It’s a long season, everybody don’t start off great. Keep being a fan, I’m gonna keep hooping. If you don’t like it, you can hike it,” ani Wall sa IG Live. “I do go to Rosebar on Saturdays. What, not suppose to party once in a blue while? Where you be at opera? Living room?”
Sa video pa rin, binanggit ni Wall na umalis siya sa practice at nagre-relax. Pero may sundot agad siya: “Don’t tell the fans I said that. They think I’m supposed to stay in the gym all day.”
Sa 10 games ngayong season, nag-a-average ang 28-anyos na si Wall ng 21.5 points at 2.5 steals per game.