Gin Kings nilango ang Beermen
STANDINGS
TEAMS W L
San Miguel 5 1
Magnolia 5 1
Alaska Milk 4 2
GlobalPort 3 3
Rain or Shine 3 3
Phoenix 3 3
Talk ‘N Text 3 3
Ginebra 3 3
Meralco 2 4
Blackwater 2 4
NLEX 2 4
KIA 1 5
Mga laro sa Miyerkules:
(MOA Arena-Pasay City)
4:30 pm. — KIA vs TNT KaTropa
7:00 p.m. — Phoenix vs Alaska
Nagtala si Raymond Aguilar ng Barangay Ginebra ng kaniyang career-high points.
Matapos ang tatlong sunod sunod na talo ng Ginebra nakatikim na sila muli ng panalo at sila ang unang nakatalo sa San Miguel 100 -96 sa 43rd PBA 2017-2018 Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi.
Pinanguhan ni Japeth Aguilar ang Gin Kings sa 22 points, nine rebounds, at buma si LA Tenorio ng 21 points at six assists.
Kahit pa pwede nang maglaro si Greg Slaughter ay hindi pa rin ito ginamit ni Tim Cone kaya nag step-up si Aguilar at nagtala ng 16 markers, ang beteranong si Jervy Cruz naman ay may 17 points, at seven rebounds para punan ang kawalan ng kanilang 7-footer slotman na si Slaughter.
Ang Ginebra ngayon ay may 3-3 rekord, habang nabahiran na ang Beermen sa paglagak sa 5-1.
Tumapos si June Mar Fajardo ng 33 points, nine rebounds, four assists, four blocks, Si Chris Ross ay may 16 points, seven rebounds, six assists, four steals, at si Marcio Lassiter may 16 points, at eight rebounds.
Ang iskor:
Pangalawang laro
Ginebra 100 — Tenorio 23, J. Aguilar 23, Cruz 17, R. Aguilar 16, Ferrer 11, Thompson 6, Mercado 2, Caguioa 2, Wilson 0.
San Miguel 96 — Fajardo 33, Ross 16, Lassiter 16, Santos 12, Lanete 7, Ganuelas-Rosser 6, Pessumal 4, Heruela 2, Mamaril 0, De Ocampo 0.
Quarters: 19-33, 44-52, 75-66, 100-96.