Para kay Senador Antonio Trillanes, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglaglag kay Gina Lopez.

Kasabay na rin dito ang hamon ng senador kay Pangulong Duterte na kung totoo ang sinasabi nitong “lobby money” ay sabihin at ilabas nito.

“Maglabas siya kung ano ang impormasyon niya sa sinasabi niyang lobby money talks, sabihin mo kung sino,” hamon ng senador sa Pangulo.

Ayon sa senador, basang-basa na niya ang ugali at estilo ng Pangulo kung kaya’t hindi na benta sa kanya ang sinabi nitong naghihinayang siya sa pagkakabasura ng nominasyon ni Lopez ng Commission on Appointments (CA) .

Giit ng senador, kung tunay na suportado ng Pangulo si Lopez ay dapat inimpluwensiyahan man lamang nito ang miyembro ng komisyon partikular ang mga kongresistang kaalyado nito ngunit kita namang wala itong effort na ginawa.

Naniniwala ang senador na hindi susuwayin ng mga kongresista ang anumang kagustuhan ng Pangulo.

Bukod dito, sinabi pa ni Trillanes na hindi rin siya maniniwalang mata­talo ang impluwensiya ng Pangulo mula sa sinasabi nitong gumagalaw na lobby money para ibasura ang nominasyon ni Lopez.

“Yabang-yabang niya magsalita, pero natalo siya sa lobby money, panlilinlang lang ginagawa niya. Siya mismo ang naglaglag kay Gina Lopez,” dagdag pa ni Trillanes.

29 Responses

  1. wrong moved by the Duterte’s Administration by not supporting Ms. Gina Lopez…she is credible sincere and dedicated to his position… this will then create division among the Duterte’s supporters…

  2. duterte could have the confirmation of the CA for gina lopez, only if his support was really present and real…

    now, from duterte’s statement, if he is in deed for “no graft and corruption” he must do the first step to send this/these people who lobby money for the rejection of lopez…as well as those who received the so called “suhol”

    anyway, all Filipinos, both pro and anti do wanted good governance…

  3. yan ang mahirap sa mga corrupt na opisyales pag me nasasagasaan ka humihiyaw at para patumbahin ka..kaya happy parin mga miners walang pakialam kung pulbusin na nila aang kalikasan at iwan nlng pakatiwangwang pag wala ng pakinabang kawawa ang mga pilipinong nasalanta ng mga minero
    atleast pinadilat sa mga pilipino ang epekto ang sinisira kalikasan. pera pera lang talaga dahil kelangan ng mga politiko ang pakimkim tuwing eleksyon

  4. yan ang sinasabing walang paglagyan, kahit saan bumaling may panglusot, kapagnanalo na impluwensyahan, kapag natalo kulang sa impluwensya, saan ba talaga GT.

  5. Mas sinuportahan ng sindikato ni sayad si aguirre kaysa kay gina. Kaya buhay na buhay ang koruption. Maraming magiging bilyonaryo habang pahirap ng pahirap ang buhay ng nakakaraming pilipino.

  6. Kapag talagang walang kwenta hindi nagtatagumpay sa mga maiitim na balak. Hahaha, Buti nalang at napigilan ang masamang balak nyang GIna na yan

  7. may mga kadahilanan kung bakit hindi ka nagustuhan ng iba dahil nakita nila ang background mo and you’re not qualify sa hinahanp nila kaya kung ako saiyo gina huwag kana magpumilit pa!

    1. gusto ko yang kindat mo,lam mo ba kaya di ngusthan c gina ay dahil d nila kayang suhulan, ang dami nyong dutertards, pinipilit craan c gina.

  8. wala naman kasi na mpapala tlaga kay gina at isa pa wala naman tlaga siyang alam! kitam tingnan niyo manloloko pa kababaeng tao!!

  9. Naniniwala akong nilaglag ni Duterte. Ang hinala ko napatunayan nang biglang sumipot sa hearing si Cayetano para siraan si Gina imbes na tulungan. Gagawin ba niya iyon na walang pahintulot si Duterte kung tutoong gusto ni Duterte si Gina? Hindi ko rin masisi si Duterte dahil may ilang miners ang tumulong sa kanya noong kampanya at utang na loob lang niya sa kanila. Pero huwag naman siyang magkukunwaring gusto niya at suportado niya si Gina.

  10. Maliwanag naman talaga na nilaglag ni Duterte si Lopez. Si Cayetano na sobrang sipsip kay Duterte dahil sa atat na atat na itong maupo bilang DFA sec susuwayin ang kagustuhan ni Duterte? In your dreams, ika nga. Matalino si Gina Lopez pero hindi niya nakikita ito?