Mike, Arnold at Ali
Mike, Arnold at Ali

ALIW ang guesting ng na-reject sa Commision on Appointments na Secretary ng DENR na si Gina Lopez sa Dobol B sa GMA News TV ­kahapon nang umaga.

Kinanta ng tatlong hosts na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Ali Sotto ang kanyang I Believe I Can Fly.

Binago nila ang ­lyrics sa “I BELIEVE MAY LAGAY” na sinabayan ng dating Secretary ng DENR ng kanta.

Tawa siya nang tawa sa isa pang linya na “AKO AY PASAWAY.”

Trending ang segment na iyun. Ang da­ming nag-comment na natuwa sila sa guesting na iyun ni Ms. Gina.

Isa iyun sa bentang-bentang segment ng programa ng Dobol B sa GMA News TV na kung saan hindi lang napapa­kinggan sa radyo sa DZBB kundi napapanood na rin sa GMA News TV.

Isa rin sa tinutukan ang segment ng SINO na kung saan may pinapa-­blind item silang mga pulitiko o minsan sa showbiz din.

Magmula nang napapanood sila sa GMA News TV, lalong lumakas itong programa nina Mike, Igan, Ali, kasama pa si Joel Reyes Zobel.

Suportado pa ng RiteMed ang progra­mang ito dahil naniniwala ang RiteMed sa ipinagmamalaki ng naturang programa na wala silang kinikilingan, walang pinoprotektahan.

Nakiisa rin ang naturang programa sa kampanya ng RiteMed na “Huwag Mahiyang Magtanong kung May RiteMed ba Nito.”

Kinanta pa ng endor­ser nilang si Susan Roces, kaya lalo itong napalapit sa masa.