EXCITED si Gina ­Alajar sa kanyang pagbabalik-Cinemalaya siya this year.

Kasama ang prem­yadong actress-director sa unang Cinemalaya filmfest nu’ng 2005 with the indie film Batad: Sa Paang Palay na gustung-gusto namin.

Ang sumunod niya ay Sigwa nu’ng 2010 at ikatlo niya ang Nabu­bulok ngayong 2017.

Natatawang kuwento ni Gina, in fairness ay nag-improve na ang kondisyon ng indie ­actors at medyo mas kompor­table na ngayon ang shooting ng indie films.

Meron na silang tent na may aircon at pati ­banyo nila sa set ay may aircon na, tapos ay hiwalay ang babae at lalaki.

Improvement na ‘yon kumpara nu’ng mga ­unang taon ng ­Cinemalaya.

Maging ang talent fee (TF) nila ay two notches higher than before, sabi ni Direk Gina.

Hindi pa siya nagwa­wagi ng Balanghai ­trophy for Best Actress, pero hindi siya nag-e-expect sa Nabubulok.

Enjoy lang siya na gumawa sa Cinemalaya, walang pressure. Wala sa isipan niya na pang-award ang ginawa ­niya, pero kung ibibigay sa kanya ay iwewelkam ­niya ito.

Naintriga siya sa baguhang direktor na si Sonny Calvento (anak ni Mr. Tony Calvento) kaya pumayag siyang mapasama sa cast ng first ­movie nito.

Tsismosang kapitbahay ang role ni Ms. Gina sa suspense-thriller na Nabubulok.

Ang kanyang ­pinsan (Sue Prado) na kasal sa Amerikano ay bigla na lang nawala isang araw, kaya gumawa sila ng ­sarili nilang imbestigasyon.

Kagabi ang opening night ng Cinemalaya sa CCP na opening film ang award-winning Birdshot.

Proud ang Cinema­laya na nu’ng magsimula sila back in 2005 ay nasa 8K lang ang kanilang ­audience.

Nitong 2015 ay ­umabot na sa 100K ang nanonood ng most pres­ti­gious indie filmfest ng bansa.

Ngayon (August 5) magsisimulang mapanood ang 9 full-length films at 12 short films ng 13th Cinemalaya sa CCP at sa TriNoma (Cinema 1), Greenbelt 1 (Cinema 1 & 2), Glorietta 4 (Cine­ma 4), UP Town Center ­(Cinema 3), Fairview Terraces (Cinema 1) at Marquee Mall sa Pampanga.