Ginang hinalay bago hinataw ng martilyo; 1-taong gulang na anak idinamay

new-edison-reyes-tugis

Inamin ni Galo na siya ang humampas ng martilyo sa ulo ng ginang at gumapos sa mga kamay nito habang si Bryan naman ang humampas ng martilyo sa ulo ng bata upang hindi makatawag ng pansin ang pagpalahaw ng iyak.

Naghalughog aniya siya sa buong kabahayan upang palabasin na pagnanakaw lamang ang kanilang pakay at dito niya natuklasan na ang nagpapakilala sa kanilang Jeff ay si Richard dahil nakita niya ang larawan ng mag-asawa nang sila ay ikasal.

Matapos na makulimbat ang mahahalagang gamit, alahas at salapi, nagulat aniya siya ng hubo’t hubad na si Pearl Helene na pinagparausan pa pala ng kanyang kasama kaya’t hinila niya ang katawan nito patungo sa loob ng banyo bago niya kinuhanan ng video, pati na ang duguan katawan ng bata bilang ebidensiya na natupad nila ang kasunduan.

Nang lisanin nila ang bahay ng pamilya, nagtungo sila sa jeepney terminal ng Sta. Rosa City kung saan naghihintay si Richard at mula doon ay bumalik na sila sa Muntinlupa City.

Pagsapit nila sa Muntinlupa City ay isinoli na nila kay Richard ang ipinahiram na cellular phone at matapos na makita ang video ng kanyang mag-ina, ibinigay na sa kanila ni Bryan ang tig-P50,000 na balanse bilang kabuuang bayad sa napagkasunduang P60,000.

Lalo pang lumakas ang hawak na ebidensiya ng pulis laban kay Richard matapos lumutang ang isang pang testigong si Alexander Villamente, isang tricycle driver, na nagpahayag na siya ang unang kinausap ng mister ng biktima na unang nagpakilala sa kanya sa pangalang ‘Jeff’.

Sinabi ni Villamente na noong Pebrero 22, habang naghihintay siya ng pasahero sa isang terminal sa naturang lungsod ay nilapitan siya ni Jeff at inalok siya ng P5,000 upang huma­nap ng hired killer dahil may ipapatrabaho siya.

Matapos makuha ang salaysay nina Galo at Villamente, naglunsad na ng malawakang pag-TUGIS ang kapulisan upang madakip ang isa pang pangunahing suspek na si Bryan na itinuturo ni Galo na humalay kay Pearl Helene at humataw ng martilyo sa ulo ni Denzel.

Tinangka namang isailalim muli sa interogasyon ng pulisya si Richard dahil sa mga nakuhang testimonya ng testigong si Villamente at isa sa dalawang salarin na si Galo subalit nasa kustodya na ng kanyang abogado sa Public Attorney’s Office (PAO) ang lalaki.

Sinabi pa ni Supt. Maclang na tinangka nilang kumbinsihin si Richard na isuko ang kanyang Samsung mobile phone subalit tumanggi aniya ang lalaki sa payo na rin ng kanyang abogado.

Idinugtong pa niya na may kakayahan si Richard bilang isang computer expert na gumawa ng pekeng ID at job order mula sa Globe Telecom lalo na’t siya mismo ang nag-report sa kompanya kaugnay sa nasira nilang internet connection.