Swak sa selda ang isang ginang sa Caloocan City nang malambat sa entrapment operation dahil sa pambubugaw diumano niya sa tatlo anak online, kamakalawa.
Sa koordinasyon ng iba’t ibang awtoridad, nailigtas sa suspek ang tatlong anak nito na may edad 8 hanggang 17. Pero bukod sa kanila, nabatid pa na pati ang 4-anyos niyang pamangkit ay dinamay din sa iligal na aktibidad.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya mula sa Australian Federal Police hinggil sa iligal na aktibidad sa Caloocan City.
Mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, Anti Child Abuse Act, at Cybercrime Prevention Act ang ilan sa kakaharapin ng suspek.