Sinaklolohan ng mga tourist police ang isang ginang nang makitang nakahandusay ito sa kalsada at nagsilang ng isang malusog na baby boy sa araw mismo ng Pasko sa Makati City.
Dakong alas-singko kahapon ng hapon nang madaanan nina PO1 Eva Geeline Evardo at PO1 Fatima Manalo, mga miyembro ng Makati Tourist Police, sa kahabaan ng P. Burgos St., Brgy. Poblacion ang ginang na nakilala lamang sa alyas Devine, nasa hustong gulang at taga-Mandaluyong City.
Nakahandusay sa kalsada ang ginang at dinudugo kaya agad na sinaklolohan ito ng dalawang policewoman. (Armida Rico)