Tinulungan ng mga frontliner saisang checkpoint sa pagitan ng bayan ng Hinundayan at Anahawan, Southern Leyte ang isang ginang na manganak noong Sabado.
Sa ulat, pinangunahan ni municipal health officer Dr. Osee Bryce Amac na frontliner sa lugar, na mapaanak si Cristina Epundulan, alas-8:56 ng umaga.
Nasa pitong buwan pa lang umano ang sanggol pero nagdugo na ito kaya agad siyang nagpunta sa district hospital sa bayan ng Anahawan, pero hindi na ito umabot dahil napaanak na ito sa checkpoint sa tulong ng mga frontliner na naka-duty sa lugar.
Bukot kay Amac, tumulong din sa 29-anyos na ina, ang ilang nurse, pulis at iba pang volunteer na nasa checkpoint.
Nadala na sa ospital ang mag-ina para masuri.