Dedbol ang 61-anyos na ginang habang labing-tatlong iba pa ang sugatan nang madisgrasya ang kanilang sinasakyang van sa National Highway sa bayan ng Impasug-ong sa Bukidnon kamakalawa.

Nabatid mula kay PO3 Wilchard Acompañado, ang imbestigador ng kaso, lulan ang mga biktima ng van patungong Cagayan de Oro City mula sa Davao City nang mawalan ng kontrol ang drayber sa sasakyan at sumalpok sa puno.

Bagamat naisugod sa ospital sa Malaybalay City ay hindi na rin umabot ng buhay si Sonia Laput, residente ng Brgy. Sasa, Davao City habang patuloy na nagpapagaling ang labing-tatlong iba pang biktima.

Ayon sa ilang saksi, mabilis umano ang takbo ng van sa kabila na madulas ang kalsada dahil sa pag-ulan kaya’t posibleng kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries ang drayber nito.