Ginang sinaksak ng kawatan sa Los Baños

Sugatan ang isang ginang makaraang saksakin ito ng gunting ng magnanakaw na naaktuhan niyang nasa loob ng kanilang sa tahanan sa Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna bandang alas-tres ng madaling-araw kamakalawa.

Nagising umano ang biktimang si Irene ­Toribio, 39-anyos, dahil sa paghingi ng gatas ng katabi ­niyang anak subalit laking gulat nito pagkabukas ng ilaw nang makita ang suspek na nakilalang si ­Michael ­Leonor, 22-anyos.

Bigla naman siyang sinugod ng suspek at inundayan ng saksak ng gunting. Habang nakikipag­buno ang ginang sa suspek ay nagawang makatawag ng mga tanod ang kanyang anak na babae dahilan para maaresto ang suspek na nagtangka pang tumakas.

Narekober sa suspek ang isang Samsung Galaxy Note II, walong pirasong kuwintas at hikaw, at mga relos na tinatayang nagkakahalaga lahat ng 20 libong piso.