Bukod sa kasong murder, carnapping, robbery at estafa, nahaharap din sa kasong kidnapping si Mangabat matapos aminin ni Juliet na puwersahan siyang tinangay at tinakot ng suspek noong Agosto 16 ng 2015 sa kanilang lalawigan sa Albay Bicol region.
Gayunman, ang lahat ng mga kasong kinakaharap ni Mangabat ay nawalan na rin ng saysay matapos siyang malagutan ng hininga noong Enero 19, 2016, isang araw makaraan siyang isugod sa pagamutan sanhi ng tama ng bala sa dibdib.
Sa pahayag ni Col. Tamayao sa TUGIS, sinabi niya na hanggang sa huling sandali ng buhay ni Mangabat ay walang nakitang pagsisisi sa kanyang mga ginawang kasalanan at sa halip ay tiwala pa aniyang malulusutan ang patong-patong na kasong kanyang kinakaharap.
Sa pagkamatay ni Mangabat, sinabi ni Col. Tamayao na natuldukan na rin ang maraming katanungan kung paano niya nagawang tadtarin ng pinong-pino ang asawa at ipakain sa mga isda, pati na ang pagkumbinsi niya sa kanyang inang si Adalia na umayon sa kanyang mga ginagawang iligal na aktibidad.
Sa kabila nito, nakahinga naman nang maluwag ang magulang ng graduating student na si Jem dahil nabigyan na rin ng hustisya ang ginawang pagpatay sa kanilang anak matapos malagutan ng hininga si Mangabat.
Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang ‘yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo: walang krimen na hindi pinagbabayaran.