Ginang tinaniman ng bala

Isang babae ang kritikal matapos na taniman ng dalawang bala ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Muntinlupa City kamakalawa.

Patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa Medical Center of Muntinlupa (MCM) ang biktimang si Luzviminda Evano, 47, isang opisyal ng homeowners association sa Barangay Putatan ng natu­rang lungsod.

Sa isinumiteng report ni Senior Supt. Nicolas Salvador hepe ng Muntinlupa City Police naganap ang insidente alas-7:55 ng gabi sa Sunflower St., Patdu Compound, Brgy. Putatan Muntinlupa City.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatayo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang da­lawang lalaki na armado ng baril.

Walang salitang pinutukan ng mga suspek ang biktima at nang duguang bu­magsak ang ginang ay mabilis na nagsitakas mga salarin sa hindi mabatid na direksyon na palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Kaagad na dinala ng concerned citizens sa nasa­bing ospital ang duguang biktima na kung saan patuloy pa ring ginagamot ng mga doktor.

Napag-alaman na opisyal ng homeowners association sa lugar ang biktima, na hindi naman tinukoy sa report kung ano ang position nito.