Ginapang ng engkanto

Mga ka-Misteryo may narinig ba kayong mga babaeng ginapang o ginahasa ng engkanto? Bagaman may mga babaeng talagang niligawan ng engkanto habang may kaso rin na sapilitang sinisipingan ng mga engkanto.

‘Yan ang ating misyon ngayon: “Kapag may Misteryo, alamin ang Totoo!”
Tunghayan natin ang karanasan ni Mariel ng Quezon City nang uma­bot pa sa pagbubuntis ang ginawa sa kanya ng engkanto.

Pagod sa maghapong trabaho sa eskuwelahan si Mariel at malalim na ang gabi nang makauwi hanggang sa makatulog nang hindi na nakapag-hapunan.

Hindi nagtagal ay big­lang nagising si Mariel ngunit nakahiga na siya sa damuhan at kakaiba ang paligid… mapuno, makulay, naririnig niya ang mga huni ng ibon at sa ‘di kalayuan ay may lagaslas ng tubig mula sa isang talon.

Nagtaka si Mariel kung paano siya napunta sa malaparaisong lugar gayung ang naalala niya, nakatulog siya sa kanyang bahay mula sa kanyang trabaho.

Biglang may nakita siyang naglalakad papalapit sa kanya at nang makalapit na ay nakita niya ang isang mala-Adonis na lalaki, guwapo, maputi, at tila namamagnet siya habang papalapit at wala siyang lakas na tutulan kung ano ang gusto ng lalaki.

“Mariel mahal kita matagal na kitang nakikita at gusto ko lagi tayo magkasama,” sabi ng lalaki.

Nag-iisip si Mariel kung kilala niya ang lalaki ngunit pakiramdam niya ay gusto rin niya. Kaya’t hindi na siya tumanggi kung ano man ang gawin sa kanya ng lalaki.

Lumapit sa kanya ang lalaki at dahan-dahan siyang hinalikan sa labi at hindi na napigilan ni Mariel ang sarili. Nakalimutan na ni Mariel kung nasaan siya at sino ang kaulayaw niya dahil tanging ang alam niya maligaya siya sa oras na iyon.

Lingid sa kaalaman ni Mariel ay mahimbing ang pagkakatulog niya sa kanyang silid at pinuntahan na siya ng kapatid para alamin kung ano ang nangyayari sa kanya dahil dinig ang kanyang pag-ungol.

Natakot si Tess nang makita ang isang anino na gumagapang at kumubabaw kay Mariel. Hindi rin makakilos si Tess at hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon.

Agad niyang ginising ang kapatid at nagulat si Mariel nang makita niya sa harap ang kapatid na si Tess. “Panaginip pala ‘yun?” Tanong ni Mariel sa kapatid.

“Oo sis pinuntahan kita dahil ang lakas ng ungol mo. Ano ba nangyari?” Ipinagtapat ni Mariel ang nakita niya at ang nangyari sa kanila ng lalaki.
Ibinida pa ni Mariel kay Tess ang magandang hitsura ng lalaki at hindi niya natanggihan ang gusto nito.

Ilang araw ang lumipas ay napansin ni Mariel na mabigat ang kanyang tiyan at nagbiro pa siyang “Mukang buntis ako dahil matigas ang tiyan ko.” Hanggang sa makalipas ang ilang linggo ay nana­ginip si Mariel na may dala­wang bata na tumatawag sa kanya ng mommy.

Hindi mawari ni Mariel kung bakit may anak siya sa panaginip. Lingid sa kanya ay malakas ang kutob ni Tess na nabuntis ng engkanto ang kapatid at nagkaanak siya ng dalawang batang engkanto.

Mahirap paniwalaan ngunit maaari itong mangyari dahil masidhi ang kagustuhan ng mga engkanto na magkarelasyon sa tao para magkasupling sa daigdig ng mga tao.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang FB page Misteryo Pilipinas At website: www.reytsibayan.com.