“Naramdaman ko na lang na nakakubabaw na siya sa akin nang maalimpungatan ako.”

Ito ang salaysay ni Claire, ‘di tunay na panga­lan matapos ireklamo ang kaibigan na si Quiven Salvejo, binata, trabahador ng Huan Chai-Binondo, at residente ng Isabel Building, Fugoso St., sa Sta. Cruz matapos umano siyang pagsamantalahan sa loob ng kanyang silid, kamakalawa ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Manila.

Sinabi ng biktima sa kanyang reklamo kay SPO2 Rowena Espinosa-Albano, ng Manila Police District-Police Station 3 na bago ginawa ng suspek ang panggagahasa sa kanya ay nag-inuman umano sila kasama ang ilan pang kaibigan.

Nang makaramdam nang antok dahil sa kalasingan ay nagpasiya na umano ang biktima na pumasok na sa kanyang kuwarto upang magpa­hinga at matulog.

Naalimpungatan na lang umano ang biktima nang maramdamang nakakubabaw na sa kanya ang suspek at isinasagawa ang panggagahasa.

Sinabi ng biktima na tinangka niyang sumigaw pero tinakpan umano ng suspek ang kanyang bibig at nang makaraos ay saka ito mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa kanyang landlady at sinamahan siya ng anak nito kay Chairwoman Maribeth Pador ng Brgy. 335, Zone 33, District III upang i-report ang panggagahasa.

3 Responses