Ginebra buhay pa!

Ginebra buhay pa!

Nanatiling buhay ang never say die spirit tapos na panatiliin ng d­efending champion Barangay Ginebra ang tsansa sa isang silya sa kampeonato nang dismayahin ang nais na pagwalis sa kanila ng TNT, 80-72, sa Game 3 ng best-of-five na semifinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Ibinuhos ng Gin Kings ang kabuuang 23 puntos sa ikaapat na yugto habang nilimitahan ang KaTropa sa 18 puntos lamang upang agawin ang importanteng panalo at ilapit ang serye sa 1-2 panalo talong kartada.

Pinangunahan ni LA Tenorio ang Gin Kings sa itinalang 16 puntos, 3 rebounds at 3 assists habang naghulog naman si import Justin Brownlee ng kabuuang 14 puntos, 11 rebounds, 8 assists , 4 steals at 2 blockspara mag-best player.

“We just want to play with that Never Say Die attitude, give great game to this fans. We really want to focus on defense and then catch up. Do it everything for these games. Come out guys,” sabi ni Brownlee. (Lito Oredo)