GINEBRA IMPORT GOODBYE NA?

(Jhay Jalbuna)

Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:00 p.m. — Phoenix vs. San Miguel
6:15 p.m. — Alaska vs. Meralco

Panalo sa laro. Pero, namemeligrong matalo sa reinforcement ang Bragay Ginebra matapos umusli ang buto sa kanang thumb ng import na si Paul Harris.

Kagabi, sumalang ang Kings na wala si Greg Slaughter, na nagpapaga­ling rin sa injury.

Pagsapit ng huling bahagi ng third period, sinubukang supalpalin ni Paul Harris ang kapwa balik-import na si Domi­nique Sutton nang aksidenteng sumalampak at ma-fractured ang right thumb finger labas ang buto sa last 1:03 ng third canto para hindi na makabalik at sinugod sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio, Taguig City.

Sa kabila ng pangyayari, hindi nasiraan ng loob ang Ginebra, ipinamalas ang pagiging ‘never-say-die’ attitude at tinimbog ang GlobalPort, 93-81, at sumapi sa tatlong teams na may magarang debut sa nakumpletong Day 2 kagabi ng Oppo PBA Go­vernors’ Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakatapos lang si Harris ng 14 points, 10 rebounds at tigalawang assists at blocks nang madisgrasya na maaring baka hindi na makapagpatuloy sa kabuuan ng kumperensya.

“We won the battle but I hope we didn’t lose the war,” lulugu-lugong bukambibig ni Gin Kings coach Tim Cone.

“Everybody really fought tonight. We played with a never say die spirit.”

Sinabi ni Enrique Pagulayan, team physician ng Ginebra, seryoso ang injury ni Harris.

“We don’t want to be negative about it, but he could be out for the rest of the season,” lahad ni Pagulayan. “Expect the worse.”

Inamin naman ni Cone na isa sa option kung malala ang aksidente ni Harris ay tapikin ang naglaro sa kanila sa mid-season tournament na si Othyus Jeffers.

Maagang nabaon sa opening period 14-point down ang Gin King, 6-20, tungo sa pinakamalaking bentahe sa sultada sa final tally at makiakbay sa tuktok sa NLEX na sinagasaan ang nagluluksang Blackwater, 96-90, at opening day winners Meralco at Mahindra.

Iskor:

Ginebra 93 — Aguilar 21, Harris 14, Mercado 12, Devance 10, Ellis 10, Tenorio 10, Caguio­a 6, Helterbrand 3, Cruz 2, Marcelo 2, Mariano 2, Thompson 1.

GlobalPort 81 — Pringle 26, Sutton 18, Romeo 15, Yeo 8, Isip 5, Taha 4, Kramer 3, Dehesa 2, Banal 0, Paredes 0, Pascual 0.

Quarters: 25-30, 44-47, 62-61, 93-81.

STANDINGS
TEAMS       W L
Meralco        1 0
Mahindra       1 0
NLEX            1 0
Ginebra         1 1
GlobalPort    0 1
Phoenix         0 1
Star                0 1
Blackwater    0 1
Rain or Shine x x
San Miguel    x x
Tropang TNT x x
Alaska            x x