Animo’y aninong biglang sumulpot mula sa likuran ng pa-layup na si Alex Cabagnot ng San Miguel Beer si Scottie Thompson ng Ginebra sa do-or-die game kagabi ng PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum. Wagi ang Kings 117-92. (Patrick Adalin)
Animo’y aninong biglang sumulpot mula sa likuran ng pa-layup na si Alex Cabagnot ng San Miguel Beer si Scottie Thompson ng Ginebra sa do-or-die game kagabi ng PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum. Wagi ang Kings 117-92. (Patrick Adalin)

Astig na panimula, gayundin sa pagtatapos ang binanda ng Ginebra upang languin ang San Miguel sa knockout game semifinals 117- 92 , at sakupin ang second Finals berth ng PBA Governors’ Cup sa harapan ng dominanteng nagdidiliryo nilang 20,374 fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Ginebra na ang sasalpok sa Meralco sa pailanlang ng best-of-seven titular showdown simula sa Biyernes sa Cubao venue rin. Bakasyon grande naman na ang napatalsik sa tronong SM na wala sa porma, malayo sa kinopong Game 4, 101-72, para mahawi ang winner-take-all match na ito.

Isang 33-12 start sa first quarter ang binagsak ng Ginebra, na pinalobo pa sa 25 sa bukana pa lang ng second period buhat sa back-to-back baskets nina Justin Brownlee at LA Tenorio para sa 37-12.

Pero maangas na tumugon ang San Mig ng 24-0 attack sa second frame pa rin na naging third all-time an unswered run para dumikit sa 36-37 na tinapos ng split free throw ni June Mar Fajardo, 1:13 pa sa gameclock.

Naroon pa rin ang komposyur ng Ginebra na kinandado ang halftime break sa 45-38 lead, saka pinagpatuloy ang pag-iinit pasiklab ng third frame 28-point lead at final frame biggest 34-point lead sa game, 117-83 mula sa jumpshot ni Jayjay Helterbrand, 2:01 na lang sa game.

Mga bida sa crowd favourites ang mga naka-double-double jobs na sina Brownlee na may 26 points at 10 rebounds, rookie Scottie Thompson na naka-24 pts. at 15 rebs., at LA Tenorio na mayroong 18 markers at 10 assists.

“I had all my losing speeches ready. Incredible effort we talked about coming out aggressive. We wanted Scottie to come out and be aggressive. It was nice coz it was such a redemptive win, we got redemption last time we were really embarrassed in game four,” bulalas ni Gin Kings coach Tim Cone.

Nakatingala si Cone na mabigyan ng unang titulo ang Gin Kings tapos huling umupo sa trono ng 2007-08 Fiesta Cup sa ilalim pa noon ni coach Jong Uichico. Samantalang sa pangkalahatan ay asinta ng Ginebra ang pangsiyam sa 22 sampa sa Finals.