Mga laro sa Miyerkoles:

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Blackwater vs NorthPort

7:00 p. m. – Phoenix vs Meralco

Sinungkit ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa kanilang pagdomina sa TNT KaTropa, 90-79, sa pagbubukas kagabi ng 44th PBA 2019 Philippine Cup elims sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Humataw ang bagong hirang na PBA Most Improved player na si Scottie Thompson at Mythical First team na si Japeth Aguilar para sa Gin Kings, samantalang lumaro rin para sa Texters si Jayson Castro na sumungkit ng puwesto sa All-Defensive Team.

Nagpasiklab si Aguilar sa simula pa lang ng laro, tumapos ng 21 points sa 8-of-13 field goals at may tatlong blangka.