PATOK sa Facebook ang “ANO ANG TITLE NG SEXY MOVIE MO?” kaya iyong isang picture ni Black Ant Lensman para sa Beyond Naked Buddies V2.0, pinahanapan niya ng blockbuster title.
Sa litrato, magkatabi sa kama ang bikini models na sina Francis Cruz at JM Martinez (indie actor).
Nakapatong ang bisig ni Francis sa dibdib ni JM. Malagkit ang kanilang titigan.
Kabilang sa naisip naming titles – Isa Pa, Kuya.
Ang Sarap Mo, Bro.
Ang Lalaking Ginising Sa Halik.
Nang Gabing Mamulat Si Adan.
Very Seiko Films ang peg, `di ba?!
May photo shoot pa ang Beyond Naked Buddies V2.0 tampok ang isa pang indie actor, si Clifford na star model ng White Bird entertainment bar (Roxas Blvd., Parañaque, malapit sa Baclaran Church).
Naipagpaalam na kaya ni Leklek Tumalad (cell# 0927-488-6886) si Clifford kina Mommy Gelli at Sir Nilo Cruz?
Ang Beyond Naked Buddies V2.0 ay magpapainit sa Hunyo 10, Sabado, sa The Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.
Kapana-panabik ang mga shobilicious payanig dito.