Ginobili nagpakita sa angas ng Spurs

Sinalubong ng nakakayanig na ovation si retired San Antonio guard Manu Ginobili nang ipakita sa video screens sa AT&T Center sa dulo ng 109-95 win ng Spurs kontra bumisitang New Orleans Pelicans.

Sabado ng gabi ang unang laro na pinanood ni Ginobili bilang spectator sapul nang mag-retire noong July.

Saksi si Ginobili kung gaano kasuwabe ang execution ng Spurs, sa pangunguna nina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge.

Umiskor si DeRozan ng 26, nagsumite si Aldridge ng 22 points at 12 rebounds.

Dinig na dinig pa ang sigaw ni New Orleans coach Allan Gentry sa locker room matapos ang panlimang sunod na talo ng Pelicans.

Nanguna ang 29 points ni Jrue Holiday sa Pelicans, may 17 points at 8 boards si Anthony Davis.

Umayuda si Dante Cunningham ng season-high 15 points, may 15 points, 7 rebounds at 7 assists din si Patty Mills sa pang-apat na sunod na panalo ng San Antonio.
Iginapos ng San Antonio ang New Orleans sa 17 points sa opening period at 39 sa first half. Unang team ang Spurs na naglimita sa Pelicans sa below 100 points ngayong season.

Umiiskor na si DeRozan ng at least 25 points sa pito sa unang walong laro ng Spurs ngayong season. Tanging San Antonio player na nakagawa nito si George Gervin noong 1978-79.