Mga laro ngayon (Ynares Center, Antipolo)
4:15 p.m. — GlobalPort vs. Blackwater
7:00 p.m. — Ginebra vs. Phoenix
Natapos ang debut ni Greg Slaughter sa PBA Governors Cup sa isa na namang nakakalupaypay na injury, at mukhang tuluyan nang mawawala sa kabuuan ng season-ending conference ang Ginebra big man.
Konsuwelo ni coach Tim Cone, kahit noong nagpapagaling si Slaughter sa injury sa paa ay rumesponde ang naiwang Gin Kings kaya humaharurot sila sa torneo.
Sa nightcap ay bakbakan ng parehong out na sa kumpetisyon na GlobalPort at Blackwater.
Tatangkain ng Phoenix na sementuhan ang puwesto sa top eight teams na aabante sa quarterfinals, puwede pa ngang guluhin ang playoff scenarios sa No. 4 kapag nalaktawan ang Ginebra. Kapag nagkataon, aakbayan ng Fuel Masters ang Meralco at Mahindra sa 6-5, gayundin ang NLEX o Alaska — depende sa resulta ng laro ng Bolts at Enforcer sa Biyernes.
Kapag tinalo ng Ginebra (7-2) ang Phoenix (5-5) at TNT KaTropa (9-1) sa Linggo, uupuan nila ang top seeding sa quarters.
Babalik sa dating sistema si Cone, dahil mukhang inabot ng torn left ACL (anterior cruciate ligament) si Slaughter nang mapasama ang bagsak kontra Mahindra noong Biyernes.
Kababalik lang ng 7-foot center mula ankle surgery.
“He was the guy we pinned our hopes on having through the rest of the eliminations and the playoffs,” ani Cone hinggil kay Slaughter.
Kontra Alaska sa huling laro ay napahiya ang Phoenix, 107-83, kaya asahan ang pagbalikwas ng Fuel Masters. May game plan na si coach Ariel Vanguardia laban sa Gins.
“We have to start with our defense, force stops so we can run,” aniya.