Kahit halos baon na roon, umaasa pa si Scottie Thompson na hindi malalagay sa twice to win disadvantage ang Ginebra sa playoffs ng PBA Philippine Cup.
Maski rin masaklap pang natalo sila noong Linggo sa Meralco 82-84, positibo pa rin si Thompson kahit marami pa talaga silang kailangang trabahuhin.
“Kanya-kanyang tingin naman ‘yan para sa mga team, kung tingin nila sa amin malakas, pero para sa amin, lahat ng teams contenders,” saad ni Thompson. “Hindi namin iniisip na mas mataas kami sa kanila.”
Napako ang Ginebra sa pang-anim pa ring puwesto sa rekord 5-5 panalo-talo, at maaari pa silang malagay sa 7th o 8th spot na may twice to win disadvantage sa quarterfinals at maaring makaharap ang kanilang sister teams San Miguel o Magnolia.
Ganito rin ang lagay ng Gin King’s last season sa parehas na all-Filipino conference. Pampitong puwesto sila 6-5 at kinalaban ang Alaska na may twice to beat advantage. (Christian Cortez)