Games ngayon (Yna-res Center-Antipolo)
3:00 p.m. — Mahindra vs. Meralco
5:15 p.m. — TNT vs. Phoenix
May date ang Ginebra at San Miguel Beer sa semifinals ng PBA Governors Cup.
Halos magkapareho pa ng paraan ang biyahe ng sister-teams, nakapagpundar ng malaki-laking lead na muntik malusaw bago naipagpag sa dulo ang mga nakaribal sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Pero pareho rin ng resulta, hindi inaksaya ng Gin Kings at Beermen ang win-once advantage sa quarters para umusad sa next round.
Unang naligtasan ng SMB ang NLEX 114-110, bago sinalag ng Ginebra ang makulit na Alaska 109-104 sa main game.
Walang naisagot ang Aces kay LA Tenorio na nagkamada ng 32 points para pangunahan ang atake ng Gins, lumamang ng 20 sa isang yugto. Tumapos si Justine Brownlee ng 29 points at 12 rebounds, may 14 si Sol Mercado at 12 kay Japeth Aguilar.
“That’s why they are Alaska!” bulalas ni Tim Cone matapos muling ibalik sa Final Four ang Gins. “We’re up 20, I told them they (Aces) have a couple of runs in them, guys.”
Nang mag-init si Calvin Abueva at LeDontae Henton, mula sa 86-66 pagkakaiwan ng Alaska pagkatapos ng three ay unti-unting dumikit para manindak 105-104. Kaya lang si Abueva din ang nagpaguho sa comeback ng Aces nang walang maipasok sa tatlong free throws nang ma-foul ni Aguilar 9.2 seconds na lang.
Iniskor ni Brownlee ang last five points ng Gins.
“We had 18 assists in the first half and getting the lead, holding on to it is more difficult,” dagdag ni Cone.
“It’s great to be in the semis, it’s nice to be back here and our reward, we get to play San Miguel.”