Ginto ipakikita agad ni Yulo kay Digong

Nakahanda na sa pagbabalik sa bansa sa 2020 Tokyo Olympic medal hopeful Carlos Edriel “Caloy” Yulo Martes ng gabi sa isang simpleng motorcade at “Heroes Welcome” tapos magtala ng kasaysayan bilang unang­ Pilipino at Southeast Asia na nakamedalyang ginto sa 49th FIG Artistic World Championship 2019 sa Stuttgart, Germany.

Darating ganap na alas-6:45 ng gabi sa ang 19-anyos na tubong Maynila kung saan dide­retso siya agad sa Malacañang Palace upang magbigay-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng karangalan at prestihiyo sa bansa sa internasyonal mula sa nasabing kompetisyon nitong Sabado.

“We are all thrilled with the golden performance of Caloy in the World champs. The President is happy. Executive Secretary Salvador Medialdea and Sen. (Christopher Lawrace) Bong Go have been in touch, monitoring the competition. The Office of the President and the PSC family congratulate Caloy on this achievement. Mabuhay ang atletang Pilipino!”, pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez.

Inihahanda na rin ng ahensiya ni Ramirez ang pagbibigay ng insentibo kay Yulo tapos ng panalo sa paborito niyang floor exercise at sementuhan din ang kanyang pagkakasungkit ng silya sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan.

“We are so proud of him,” hirit ni Ramirez kay Yulo na nadiskubre at naging produkto ng programa ng ahensiya na PSC-Philippine National Youth Game-Batang Pinoy bago naging miyembro ng pambansang koponan at sa pagiging unang Pilipinong world champion sa sport. (Lito Oredo)