Gising sa ilusyon, Ka Freddie!

freddie-aguilar

“CULTURAL REVOLUTION” ang gustong isulong ni Freddie Agui­lar bilang chairman ng National Commission for Culture and the Arts.

Sana lang, ang mga taga-Palasyo, eh aware na may proseso kung paano magiging Chairman sa NCCA ang isang private individual na tulad ni Aguilar.

Sundin nawa nila ang proseso at huwag magmamadali sa pagtatalaga ng Chair.

Wala akong balak maliitin ang angking kakayahan at talino ni Freddie.

Kaya lang, matapos kung mabasa ang kanyang suhestiyon tungkol sa Torre de Manila problem sa Luneta… ang bangs ko, nagdabog in a major, major way.

Ang kanyang simplistic solution, pagpapalitin ng puwesto ang bantayog ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal at ang dalawang kalabaw sa bahagi ng Luneta Park.

Dapat nakaharap sa mga tao ang rebulto ni Rizal para hindi na problemahin pa ang pagiging ‘photobomber’ ng Torre de Manila.

Magaling! Magaling! Magaling!

Isa kang tunay na henyo at alamat, Mr. Aguilar.

kalabawAlam na alam na tuloy na wala kang malay sa cultural at historical significance kung bakit nasa Luneta ang monumento ni Rizal.

Alam kong mara­ming hit songs si Ka Freddie na may aral talaga at kumintal sa damdamin of the balana at madlang pipol.

Pero gisingin natin siya sa ILUSYON niyang he can be an arts and culture head.

Hindi lang pagiging ‘hitmaker’ ang dapat maging basehan para maging NCCA head.

Huwag nating babu­yin ang legacy nina the late National Artist for Architecture Leandro Locsin, Jaime C. Laya, Evelyn Pantig, Ambeth Ocampo at Felipe de Leon Jr.

Sila ang mga da­ting Chairperson sa NCCA.

Mahiya tayo sa tulad nina the late Natio­nal Artist for Film Eddie Romero, ang mga National Artists for literature na sina Bienvinido Lumbera, Virgilio Almario, National Artist for Music Ramon Cruz na minsan sa kanilang buhay ay naging committee members at subcomission heads sa nasabing kagawaran.

Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung ano ang kanilang professional, artistic at personal achievements kaya sila naging NCCA chair.

Sabi nga ni mareng haute couture designer sa napipintong appointment ni Freddie, “Hila­rious!!!!!!! Banda ba ang binubuo o gobyerno??? Aiza, Jimmy Bondoc, RJ Jacinto, ngayon Freddie Aguilar.

“Our country is in ‘good’ hands!!!! This is what this administration is bragging about…. technocrats!!!!! …. wonderful !!!!”

The NCCA deserves a better chairman. Hindi na natin kailangang i-me­morize iyan.