Gitara pinalit ni Alyssa sa bola

Hindi muna bola ang pinagkaka-busy-han sa ngayon ni volleyball phenom Alyssa Valdez, kundi isang gitara sa kasagsagan ng extended Luzon lockdown dahil sa coronavirus disease 2019.

Nag-timeout muna sa paglalaro ang Premier Volleyball League (PVL) star, sinubukan ng Creamline Cool Smashers team skipper na maggitara.

Sa caption ng 26-year-old, 5-foot-9 outside hitter, “First time ko tumugtog ng gitara! Kaya ko ba? 😂😂😂”

Hinirit pa ng Batangueñang volleybelle, “Sinubukan ko noong bata ako pero na kasugat-sugat ako, so ngayon, muling susubok! 😂”

Suportado naman ng kanyang boyfriend na si Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX ang pagtugtog ni Valdez.”Laban kaya yan! @alyssa_valdez2,” anang basketbolista. (Janiel Abby Toralba)