Hindi na aabutin ng Pasko at matatapos na ang giyera sa Marawi City.
Ito ang positibong pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag na makababalik na sa Marawi City ang mga residenteng nagsilikas dahil sa nangyaring rebelyon.
Ayon kay Lorenzana, batay sa tantya ng mga ground commanders, malapit nang matapos ang gulo sa Marawi dahil kumpiyansa itong aabutin na lang ng tatlo hanggang apat na linggo ang labanan.
Maliit na ang lugar na pinagkukutaan mga mga terorista sa nasabing siyudad kung saan 250 by 250 meters na lang ang okupado.
Gayunman, bagama’t makakabalik na sa Marawi ang mga sibilyan posible namang sa mga temporary shelters daw muna magdidiwang ng Pasko ang mga ito.