Gladys ‘di napansin na nagbatian sina Claudine, Julia

Gladys ‘di napansin na nagbatian sina Claudine, Julia

In all fairness ay peaceful at walang nangyaring gulo nu’ng Friday night sa burol ni Mr. Mike Barretto sa Heritage Park.

Pumunta that night si Gladys Reyes at nakiramay sa close friend nito na si Claudine Barretto.

Kuwento sa amin ni Gladys, behaved ang mga tao nu’ng gabing ‘yon at walang anumang eksena na naganap.

Medyo late nang dumating sa wake si Gladys at paalis na raw si Claudine pero nagtsika-tsika pa sila nito.

May ilang members of the press na nandu’n that night at nakipag-usap naman sa kanila si Claudine, pero halata raw na umiiwas ang aktres sa mga isyu at intriga. Kalma lang daw ito at nagpasalamat din sa mga press na nakiramay.

Nabanggit pa raw ni Claudine na wish ng pumanaw na ama nila na magkasundo-sundo na raw silang magkakapamilya.

Nakita namin na padaan-daan si Julia Barretto doon sa video na pinost ni Gladys sa IG. Nasa may pintuan kasi sila ni Claudine kaya daanan talaga ito.

Nang usisain namin si Gladys kung nakita niya bang nagpapansinan at nagbabatian sina Claudine at Julia, ang sagot sa amin ni Gladys ay hindi niya napansin.

But in fairness ay bumati at bumeso raw kay Gladys si Julia at ang younger brother nitong si Leon. Doon nalaman ni Gladys na wala roon si Marjorie nu’ng mga time na ‘yon (kaya siguro walang tensyon).

Chika pa sa amin ni Gladys, ang guwapo ng Barretto patriarch na si Daddy Mike sa loob ng ataul nito. Mukha raw itong at peace.

Ang dayalog sa amin ni Gladys, kamukha ito ni Manuel Quezon na mestizo. Ang fresh daw ng itsura nito.

Hindi pala nu’ng Biyernes kundi kahapon lang ginawa ang cremation sa mga labi ni Mr. Barretto.

Sa social media ay patuloy ang patutsadahan at parunggitan nina Gretchen, Marjorie at Julia kaya mukhang wala pang tuldok ang isyu na ito, lalo na kapag itinuloy ni Marjorie ang sinasabi nitong pagsasalita ng katotohanan.

***

Janine sumasakit ang ulo sa negosyo

Hindi makapaniwala si Janine Gutierrez na siya ang tinanghal na Best Actress sa 2019 QCinema International Film Festival.

Nagwagi si Janine sa indie film na “Babae at Baril” (sa Asian Next Wave Competition ng QCIFF) na dinirek ni Rae Red, na nanalo ring Best Director sa awards night nu’ng Biyernes.

Sey ng Kapuso actress, wala siyang anumang expectation. Um-attend lang daw siya sa awards night para suportahan ang pelikula nila at ang produksyon.

Sobrang happy and thankful si Janine sa mga taong naniwala sa kanya. First Best Actress award ito ng dalaga kaya sobrang importante raw nito sa kanya.

Ang totoo ay sobrang kinabahan daw si Janine kung paano tatanggapin ng audience at ng critics ang “Babae at Baril” na kakaiba ang karakter niya na isang saleslady na may pinagdaanan, tapos ay maghihiganti.

Buti na lang ay hindi lang ito nagustuhan ng mga nakapanood at ng critics kundi napahanga niya pa ang jury ng festival sa kanyang performance.

Ang bongga ni Janine dahil ang ganda ng career niya, ang happy ng love life niya (with Rayver Cruz), may acting award siya, at ang latest ay nagbukas na rin siya ng sarili niyang negosyo.

Nu’ng Friday nag-grand opening ang nail salon ni Janine na I DO Nails na nasa 3rd floor ng Ayala Malls the 30th sa Meralco Avenue sa Pasig.

Ang sabi sa amin ni Janine, gusto niya talagang magka-business noon pa, pero hindi siya makapagsimula at hindi niya alam kung anong gagawin.

Since palagi siyang nagpapa-nails dahil kailangan niya ito sa trabaho, tapos ay friend niya ang owner ng I DO Nails, na-realize niyang it’s something she’s really interested in, so nag-decide siyang mag-franchise nito.

Tuwang-tuwa sa kanya ang nanay niyang si Lotlot de Leon dahil matagal na raw siya sinasabihan nito na magnegosyo siya.

So, kumusta naman ang may sariling negosyo, masakit ba sa ulo?

“Medyo! Ha! Ha! Ha! Parang minsan, hindi ako makatulog. Kasi, ako lang din ang nagplano nu’ng opening, very hands-on ako.

“At sinulit ko na rin ‘yung wala pa akong taping or shooting dahil next week, magsisimula na ako ng bagong pelikula,” bulalas ng magandang aktres.

Habang wala pa siyang trabaho ay nandu’n daw siya palagi. Pati ‘yung pagpipintura ng salon ay sinu-supervise niya.

Kasali rin siya sa paghahanap ng nail tech (tawag sa mga tao niya sa nail spa). As in siya ‘yung nag-iinterbyu ng aplikante para matuto raw talaga siya.

Naaliw kami sa tsika ni Janine na nagawa niya ring pumunta ng City Hall para sa business permit at iba pang dokumento ng negosyo niya, na pati raw mga firemen ng Pasig City ay na-meet niya.

Hanggang October 22 pa mapapanood ang “Babae at Baril” sa QCinema filmfest. “If We Don’t Make It” ang pamagat ng movie ni Janine with Paulo Avelino na next week na ang simula ng shooting.

***

Mas lalong umiinit ang labanan sa “The Clash” Season 2 matapos makumpleto ang Top 32 Clashers.

Nagkaroon ng twist nang biglang lumitaw ang mukha ni Clash Panelist Ai Ai Delas Alas sa randomizer, so siya ang nagdesisyon para pasimulan ang kaganapan.

Kagabi ay in-introduce ang ‘Clasher Save’ na ang napiling Clasher ay puwedeng ma-save o mapalitan ng ibang clasher doon sa battle, na lalong nagpa-excite sa labanan.

Sa dulo ng episode ngayong gabi ay kailangang magdesisyon ng Clash Panel kaugnay ng youngest and most attractive Clashers of the season, na mauuwi sa isang shocking outcome na magpapabago sa takbo ng kompetisyon.

Tuwing Linggo ay napapanood ang Star Awards winner na “The Clash”.