Gladys Guevarra pakakasal na

Engaged na ang dating co-host ng “Eat Bulaga” na si Gladys Gueverra. Masayang ibinahagi ng comedian-host ang magandang balita sa kanyang Instagram.

Sa wakas ay makakasal na siya kanyang boyfriend na producer. Aniya, “Walang pagsidlan ang saya ko kagabi. Ako ang pinaka magandang babae kagabi.”

Buong pagmamalaki niya pa, “Ako na pinaka makinis, pinaka matangkad, pinaka mamahal, pinaka babae sa lahat lahat. Thank you Da’ sa magandang flowers ko na bigay mo kagabi. I love you.”

Inulan ng pagbati para sa kanya mula sa malalapit na kaibigan sa industriya.

@LaniMisalucha, “Ikaw na.”

@LovelyAbella, “Awww congrats ate talagang pinagtagpo kaya ng panahon.”

@JakRoberto, “Tamis.” (Rona Ronda)