NAKATSIKAHAN namin si Gladys Reyes sa MTRCB office at napansin naming parang naghahanda na sila para umalis.
Nasilip din namin sandali ang tanggapan ni Chairman Toto Villareal. Parang malinis na at ayos na ayos na ang mga gamit.
Tinanong namin kung aalis na ba si Atty. Villareal, eh wala pa kaming nababalitaang papalit na MTRCB Chairman.
Sabi ni Gladys, matagal nang naghahanda si Chairman dahil tanggap niyang pagpalit ng administrasyon, papalitan na rin ang mga gabinete at chairman ng lahat na government agencies.
Kasabay ng pagpalit ng chairman, papalitan na rin ang mga board member kagaya ni Gladys.
Hindi alam ni Gladys kung maiiwan siya o papalitan na rin dahil wala pang payo sa kanila ang Malacañang.
Nagtanung-tanong kami sa ilang taga-industriya, wala rin silang balita. Merong nagsabing ang papalit daw ay isang magaling na aktor na malapit kay Pres. Duterte.
May narinig din kaming ibang pangalan, kagaya ng kilalang actress/director dahil malakas ito sa Malacañang.
Pero pawang haka-haka pa lamang iyun.
Napag-usapan din namin minsan ‘yan ni Mother Lily Monteverde at pawang papuri kay Chairman Toto ang narinig namin sa kanya.
Wala raw puwedeng pumalit sa kasalukuyang MTRCB Chair dahil sa napakagaling nitong performance.
“Kung nakapunta kayo sa office nila, maayos. Talagang ginagawa nila ang trabaho nila,” saad ni Mother Lily.
Sabi rin ng isang taga-MTRCB, malaking sapatos ang isusuot ng bagong MTRCB Chairman kung sakali dahil sa napakaraming achievements ni Atty. Villareal.
Kaya halos iisa ang hiling ng karamihan na sana, huwag nang palitan ang kasalukuyang MTRCB Chairman dahil ginagawa niya ang kanyang trabaho.
Sabi ni Gladys, hangga’t walang payo sa kanila mula sa tanggapan ni Pres. Duterte, tuloy lang ang trabaho nila sa MTRCB.
Kala ko si Imelda Marcos si Gladys pala
Malaki ang pag-asa ni Gladys na maiiwan siya. INC member siya at may utang na loob si Duterte sa INC.
Yong tao na lang sana ni Eli Soriano ang gawing chairman sa MTRCB halimbawa, Daniel Razon tapos kapakner nya si Gladys Reyes na INC..
Kaya hindi tayo umaasensyo ay dahil sa ‘Utang na Loob’ na yan.
Sabi nga ni Heneral Luna, Bayan o Sarili?