PAPASOK na sa pang-apat na buwan ang ipinagbubuntis ni Gladys Reyes.

Ayon sa Kapuso actress, ito ang pinakamahirap niyang pagbubuntis kumpara sa tatlong anak niya.

“Hindi pa naman masyadong halata ang a­king tummy.

“Ito ang medyo maselan ako. Nahihilo pa rin ako, madalas pa rin ako magsuka, at ang sense of smell ko, matalas.

“Halos lahat, naaa­moy ko. Pati ‘yung naggigisa, ayaw na ayaw ko ‘yung amoy,” kuwento ni Gladys nang nakausap namin kamakalawa nang gabi sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Wala pa siyang pinag­lilihian na pagkain, pero tingin niya si Christopher Roxas ang pinaglili­hian niya.

“Kasi, parang lagi ko siyang gustong makasama. Parang napaka-clingy ko sa kanya.
“Hindi ko naman siya inaaway, pero gusto ko lang siya makasama lagi,” dagdag na paha­yag ni Gladys.

Naniniwala rin siya na sumasabay sa paglilihi ang asawang lalaki.

Iyun ang naranasan nga­yon ni Christopher dahil nakakaramdam ito minsan ng katulad ng nararamdaman niya.

Sa susunod na buwan ay puwede na niyang malaman ang gender ng baby kung boy o girl sa susunod niyang check up.

Kung siya ang masusunod, gusto sana niya eh girl dahil dalawa na ang boys niya, at si Aquisha lang ang isang girl.

“Pero si Christopher kahit ano raw basta healthy lang ang baby. Pero okay din daw kung boy para si Aquisha lang ang nag-iisang girl,” dagdag pa niyang tsika.

Kahit medyo hirap sa paglilihi, tuloy pa rin si Gladys sa taping ng Oh My Mama na malapit na ring magtapos.

“Mabuti lang, pag nasa work ako, hindi ako nakakaramdam ng pagkahilo o pagsusuka. Parang nakikisama rin ang baby na si­guro, sinasabi niya, nasa work pa si mommy, hindi muna ako mag-inarte,” natatawang kuwento ng aktres.

Sabi pa ni Gladys, pagkatapos nitong pang-apat na baby nila ni Christopher, stop na talaga.

Pag-iisipan niya kung magpapa-ligate na siya pagkatapos niyang manganak.

2 Responses