ISA sa paghahanda ni Gladys Reyes sa kanyang panganganak ay ang magpa-chiropractor.

Nakita naming ipinu-post nito sa Facebook na 7 months preggy na siya, nagpapa-chiropractor ito kay Dr. Rob Walcher.

Sabi ni Dr. Rob, safe itong chiropractor sa mga buntis dahil makakatulong ito sa kanilang panganganak.

“You know as a baby’s growing in you, you’re increasing your weight. So, that’s bringing stress on your spine.

“That can affect the mother, that can affect the delivery, that can a­ffect the baby.

“So, taking care of your spine while you’re pregnant, it can help the mother feel good, it can reduce the labor time, that can reduce the chances of C section, and it’s very good for the baby,” paha­yag ni Dr. Rob Walcher na American husband ni ­Patricia Javier.

Balak din pala ni Aljur Abrenica na dalhin doon si Kylie Padilla na puspusan din ang exercise bilang paghahanda sa ­panganganak.

Ayon kay Dr. Rob, safe itong chiropractor sa mga pregnant women­ at puwedeng gawin ito sa kanila hanggang sa kanilang panganganak.

Matatagpuan ang chiropractor clinic ni Dr. Rob Walcher sa may Morato Ave., malapit sa clini­c ni Dra. Vicki Belo at Il Terrazo.

Sa clinic na iyun ay ­ibinebenta rin nina Dr. Rob ang unan na in-­introduce niya.

Kakaibang unan ito na may memory foam na kung saan maku-correct ang iyung spine at mapa­pangalagaan ito.

Nasubukan na namin ang unan na ito, at mabisa ito. Ang sarap ng tulog namin dahil sa tamang posisyon ng pagtulog at walang sakit sa likod.

Ini-launch ito ni Dr. Rob kasabay ng launching ng Girlactik cosme­tics na ine-endorse ni Patricia.