Gladys quota na sa pagpapabuntis kay Christopher

MAS gustong tawagin ni Gladys Reyes na affirmation of vows kesa sa renewal of vows ang muling pagpapakasal nila ng mister na si Christopher Roxas noong Martes sa Iglesia Ni Cristo, locale ng Tagaytay at sa Fernwood Gardens nga ginanap ang reception.

Katwiran ni Gladys, hindi naman daw kasi nag-expire ang kasal nila 14 years ago. Twenty-five years of togetherness ang ipinagdiriwang nila dahil 11 years silang mag-boyfriend/girlfriend at 14 years namang kasal.

Mismong ang mga anak daw nila ang nag-udyok sa kanila ni Christopher na magpakasal muli.

Aniya, “Eh kasi nagtatanong sila. Curious sila kung ano daw nangyari nun. Eh ‘yung CD ng wedding namin, halos hindi na mapanood dahil CD pa nga noon, ‘di ba? Hahaha! At least ngayon, kasama na namin sila.”

Apat na ang anak nina Gladys at Christopher. At sey niya ‘kota kinabalo’ na raw kung hihirit pa ng panlimang anak. Sabi ko nga mamasyal kami sa Kota Kinabalu! Hahaha!

Hindi pa sarado ang carinderia pero wala nang puwedeng kumain. ‘Yung bintana sinara ko na, pero ‘yung pinto, medyo naka-half-open pa.”

Hindi na siya nagpapakain?

“Well ngayon magpapakain ako sa mga bisita. Magpapakain tayo sa mga bisita dahil ito ay isang selebrasyon.”

Eh siya may sabi na sarado na ang carinderia?

“Hindi puwedeng metaphor? Hahaha!”