Gladys Reyes pinuri sa pagpapasilip ng boobs sa IG

gladys-reyes

PINURI ng netizens si Gladys Reyes sa pinoste niyang sunod-sunod na photos na nagpapadede siya sa bunsong anak na si Cale.

“Despite busy preparation yesterday, there’s always a time to feed baby Cale and cuddle time with kuya Grant. #ChristopherAnd Gladys25years #beastfedbaby,” simpleng caption ni Gladys.

Marami na ring artista ang nag-post sa socmed ng kanilang breastfeeding moment sa kanilang mga baby, pero kakaiba ang pagpapakita ni Gladys ng kanyang pagpapadede.

Makikita sa mga larawan na nakalabas ang kanyang breast na subo-subo ng kanyang sanggol. Walang nakatakip na kahit na anong tela ang pagpapadede ni Gladys kaya malayang nasilip ng kanyang fans ang breast niya.

Bahagya lang na natatakpan ng magkahawak na kamay nila ng sanggol ang kanyang breast. At sa isa naman ay hawak-hawak ng character actress ang kanyang suso.

Bumilib ang followers ni Gladys sa kanya dahil wala siyang pakialam na ipakita ang kanyang breast sa publiko.

@tira_mesu_ko, “Yan ang tunay na mag-breastfeed. Di nya kailangan takpan pa. Di naman makikita ang nipple. Ung iba arte-arte magpa-breastfeed! Payatot naman ang anak! Horrible sila.”

@lamir639, “Wow that is amazing! Hatts off ako sayo!”

@fatima_aqib, “wow, such an inspirational pic.”

@assej_chen, “Wow, breast feeding…ang cute ni baby.”

@smplyamzng, “This is a beautiful picture of you @iamgladysreyes and baby Cale.”

@bingaf, “nakakabilib”.

Ilan sa celebs na nagposte ng kanilang breastfeeding moment sa IG ay sina Bianca Gonzales at Marian Rivera. Naka-video ang pagpapadede nila sa kanilang mga anak na may takip ang kanilang mga dibdib.

Maiintindihan naman kung bakit nakatakip dahil nasa public place sila. Si Marian ay nasa isang airport sa States. Si Bianca ay nanonood ng game sa US kasama ang kanyang hubby.

Eh, nasa loob naman ng kuwarto si Gladys habang nagpapadede sa kanyang anak, kaya hindi na nito kailangan pang takpan ang kanyang dibdib.

Nevertheless, ang hinangaan kay Gladys ay ang lakas ng loob at walang pakialam niyang ipakita sa madla ang kanyang breast habang nagpapasuso ito sa kanyang bunso.

Anak nina Bossing-Poleng hawig nina Ryzza, Aiza

SINA Ryzza Mae Dizon at Aiza Seguerra ang dalawa sa mga naging sentro ng usapan sa Instagram wall ni Pauleen Luna. Pinoste ni Pauleen sa kanyang IG wall ang close-up video clip ng kanyang baby na si Talitha.

Mapapanood sa video ang reaksyon ng sanggol na naaaliw sa harap ng kamera at habang kinakausap siya ng mommy niya. Parang gusto na ring magsalita ni Talitha at kausapin ang kanyang mommy, na makikita sa pagbuka ng bibig nito.

“Mornings with Talitha. You and your papa are my greatest treasures in life! I thank God for you both every day! I love you @mzet280.  Tali at 2mons,” say ni Pauleen.

Talagang cute na cute si Talitha sa video. Kaya gigil talaga ang followers ni Pauleen sa kanya.

@mharikagallardo, “Aww…Her eyes is so expressive.  So, beautiful!”

@nita.roxas, “Hello cutie, ganda ganda!”

Ilan ang nagsasabing kahawig nina Ryzza at Aiza ang anak na ito nina Poleng at Vic.

@akosilabli, “She looks like @iceseguerra.”

@iamcarinawilma, “Kamukha talaga siya ni Aiza Seguerra @pauleenlunasotto.”

@lainesanti27, “Kamukha ni aling maliit.”

@venusmagno, “Aiza, Ryzza at Pauleen look alike.

@reyamy, “Poleng nawili ka yata kay Ryzza Mae nun nagbubuntis ka! Cute cute ni Talitha.”

Walang reaksyon si Pauleen sa komentong ito ng kanyang followers.

Pero, marami ang nagsasabi na future komedyante raw si Talitha, dahil ngayon pa lang ay madalas na itong ngumiti at magpangiti.