NI: ARCHIE LIAO

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang ibinalita ni Glaiza de Castro hinggil sa pananatili ng kanyang Irish boyfriend na si David Rainey sa kanilang resort sa Baler sa panahon ng lockdown.

Kuwento pa ng Kapuso actress, marami na raw natutunan ang kanyang boyfie sa pamamalagi nito sa kanilang bayan.

Natuto na raw itong mamalengke, sumakay sa motor at gawin ang gawain ng mga lokal.

Hirit naman ng mga netizen, hindi pa man daw kasal ay inaander na ni Glaiza ang nobyo.

Pagtatanggol naman ng ilan, kusang loob daw naman ang ginagawa ng dayuhang bf.

Kung pamamanhikan nga ito, dapat lang na malaman nito na konserbatibo pa rin ang aktres at ang pamilya nito.

Ipinakikita rin daw ni Glaiza ang Pinoy hospitality kay David tulad ng ginawang pagtanggap sa aktres ng pamilya ng dayuhan.

Hanggang ngayon, patok ang kantang sinulat ng magdyowa na dedicated sa mga frontliner.