Glaiza at Kylie, aura-aura sa fight scenes

Overheard sa usapan ng salesladies sa isang toy store sa isang mall, kailangang mag-Vitamin C ang mga sang’gre sa Encantadia dahil kulang sa latoy ang fight scenes nila particularly ‘yung kina Glaiza de Castro at Kylie Padilla. Malamya raw.

Understandable ito kumpara sa aksyon ng Ang Probinsyano. Aura-aura na lang muna ang mga sang’gre.

***

PAANO kaya sasagutin ng pamilya ni Mayor Alfred Romualdez pati na ang humalili sa kanyang posisyon na si Cristina ‘Kring Kring’ Gonzales Romualdez ang diumano’y P1B na misused Yolanda funds?

Kailangang maging leksyon ito lalo na sa anak nilang nagmura noon kay VP Leni Robredo (na kesyo wala raw itong alam) noong eleksyon.

Ngayon, wala rin bang alam si Mayor Alfred sa nangyari sa pondo sa Yolanda?

Alam kaya ito ng mga multo ng hotel na tinuluyan ng showbiz press nang minsang magawi roon?

***

Arci Muñoz
Arci Muñoz

OK naman ang hosting nina Richard Gutierrez, Bela Padilla at Arci Muñoz ng Mutya ng Pilipinas pageant na Viva na ang nagha-handle.

Si Richard, natulala lang at wala nang nasabi sa kandidatang nablangko ang sagot kaya nag-dead air na lang at nag-proceed na lang sa next candidate.

Pero ingat lang si Arci Muñoz dahil ‘yung banggit niyang ng COLONEL na military title ay CO-LO-NEL talaga ang bigkas niya.

Sana, nagtanong muna siya kung paano sabihin ‘yun dahil hindi ‘yun pasok sa rule na kung anong bigkas eh siyang baybay. Itinuturo ‘yun sa klase. Baka absent siya nu’ng naituro ‘yun.

***

Cristina Gonzales Romualdez
Cristina Gonzales Romualdez

Happy 24th Anniversary sa nangungunang talent management and development center ng bansa, ang Star Magic.

Tinodo nila sa pagrampa ng kanilang stars kahapon sa ASAP. Mapangahas ang move nila na hindi na maglagay ng chargen ng pangalan ng artista.

In fairness, mas maraming kilala na sa kanila at hindi na kailangan pa ng graphics at pangalanan kapag lumabas sa TV dahil easily recognizable sila.

Ang GMA 7, magiging mapangahas din kaya tulad ng Star Magic?
Well, suggestion ng Tanglaw Diva, dapat irequire sa talents nila ang ID.

No ID, no entry ba?

***

Ang pantapat ng Sunday PINASaya sa Star Magic Anniversary ng ASAP ay ang guesting ni Dingdong Dantes sa programa.

Tingnan natin ang epekto nito sa ratings.
Malay mo, we’re in for a surprise!