Glaiza at Rocco, naaliw sa animated version nila

Glaiza De Castro

MAY kani-kanyang post ang Encantadia cast tungkol sa inilabas na mobile game na Encantadia Blast nu’ng Biyernes.

Every stage ay nagbibigay ng info tungkol sa mga karakter ng Kapuso telefantasya kaya mas naaaliw ang mga nag­lalaro nito.

Natuwa si Glaiza de Castro sa itsura nu’ng Pirena sa nasabing game dahil nakuha nito ang mga mata niya.

Si Rocco Nacino ay nakyutan sa anima­ted version niya bilang Aquil.

Agad na nag-download nito ang mga Encantadiks at naaadik na rin daw sila sa paglalaro ng Encantadia Blast on their smartphones.

Sa mga na-miss ang pilot week ng Encantadia, may pagkakataon kayong mapanood ito ngayong Linggo (July 24) sa GMA pagkatapos ng iBilib.

Rocco Nacino
Rocco Nacino

Tunghayan ang pagsisimula ng kuwentong kinahumalingan ng .

Tuklasin ang hiwaga nito sa Encantadia: Maste Ivi.