MAKIKIISA ang stars ng telefantasyang Encantadia at Mulawin vs Ravena sa selebrasyon ng ika-80 Araw ng Dabaw.

Tampok sina Dennis Trillo, Dion Ignacio at Kiko Estrada sa Kapuso Mall Show bukas (Huwebes, Marso 16) nang 3:00 PM sa Gaisano Mall Toril.

Magpapakilig sina Miguel Tanfelix & Bianca Umali at Derrick Monasterio & Bea Binene bukas nang 5:00 PM sa Abreeza Mall.

Makikisaya sina Ruru Madrid, Sanya Lopez at Glaiza de Castro sa mga Kapuso sa Biyernes (March 17) nang 4:00 PM sa SM City Davao.

***

Medyo may katabilan ang Tawag Ng Tanghalan finalist na si Froilan Canlas.

Nang tanungin siya after the competition kung siya ba ang pumili ng kinanta niyang medley ng Kuh Ledesma songs, sinabi niyang ang production ang naggiit na gawin niya ‘yun. Vinolunteer pa niya ang information na mas gusto pa rin niya sanang kantahin ang Basil Valdez medley.

Ay, ganu’n ba?

***

Palabas na ang Cinema One Originals Best Picture na 2 Cool 2 Be 4 Gotten starring Khalil Ramos.

Sana, hindi nito sapitin ang naranasan ng pelikulang Baka Bukas sa box office.

Kung kapos ang suporta ng mga tivoli, baka mas excited manood ng sine ang mga beki!

Sana!