KUNG baliw-baliwan si Anne Curtis sa South Korean actor na si Gong Yoo, si Glaiza de Castro naman ay bet na bet ang K-pop star na si G-Dragon.

Sa June ay may one-week vacation si Glaiza sa Korea at itinaon niya ‘yon sa petsa ng concert doon ng rapper-singer na si G-Dragon (Kwon Ji-yong).

Sabi sa amin ni Glaiza, dapat ay sa Singapore siya manonood ng nasabing concert, pero soldout na.

Saktong sa Korea ay nakahanap siya ng tiket, so excited siyang mapanood nang live ang crush niya sa Seoul World Cup Stadium.

Sobrang bet ng 29-anyos na Kapuso actress ang 28-anyos na dating miyembro ng sikat na K-pop boy band na Big Bang dahil maga­ling itong performer at sobrang nakakaaliw.

Kuwela ‘yung hirit sa amin ni Glaiza na napanaginipan niya si G-Dragon, so feeling niya ay ito ang lalaking hinihintay niya.

Nasa Big Bang pa lang noon si G-Dragon ay sob­rang type na type na ito ni Glaiza. Bilib na bilib siya ‘pag pinapanood niya itong mag-perform.

Pinipigilan niya ang sarili niya na maging baliw-baliwan sa K-pop stars, pero talagang mala­ki ang paghanga niya sa mga ito.

Pati nanay ni Glaiza ay inimpluwensiyahan niya. Pinapanood niya rito si G-Dragon at naaliw ito.

Aminado ang loveless na si Glaiza na sobrang bet niya ang Korean guys, pero hindi ibig sabihin ay Koreano na ang gusto niyang mapangasawa.

Hindi pa alam ng dalaga kung anong sunod niyang project sa GMA after ng kabogera niyang pagganap bilang Sang’gre Pirena sa katatapos na requel na Encantadia.

Aniya, maraming nagre-request ng Book 2 dahil sa ending ng Enca ay nagkaroon ng kanya-kanyang anak ang mga Sang’gre.

Tapos ay lumabas ang isang Ice Queen na evil twin sister ng batha­lumang si Cassiopeia (Solenn Heussaff).

Baka sa Japan (o Korea) sila mag-shoot nito kung sakali dahil pangarap ni Direk Mark Reyes na sa lugar na may snow o winter ang maging setting ng bagong kabanata ng istorya ng Encantadia.